Hoseas 7

Nakakaawa sila dahil lumayo sila sa akin. Lilipulin ko sila dahil naghimagsik sila sa akin. Gusto ko sana silang iligtas, ngunit nagsalita sila ng kasinungalingan tungkol sa akin.

Hosea 7:13 (UKJV) Woe unto them! for they have fled from me: destruction unto them! because they have transgressed against me: though I have redeemed them, yet they have spoken lies against me.

11“Tulad sila ng kalapating madaling lokohin at walang pang-unawa. Humingi sila ng tulong sa Ehipto at Asiria.

12Subalit habang paparoon sila, pipigilan ko sila na parang ibon na nahuli sa lambat at hinila pababa. Parurusahan ko sila ayon sa aking sinabi sa kanilang pagtitipon.

13Nakakaawa sila dahil lumayo sila sa akin. Lilipulin ko sila dahil naghimagsik sila sa akin. Gusto ko sana silang iligtas, ngunit nagsalita sila ng kasinungalingan tungkol sa akin.

14Hindi bukal sa kanilang puso ang pagtawag nila sa akin, ngunit umiiyak sila sa kanilang higaan. Sinasaktan nila ang kanilang sarili habang sumasamo sa mga diyos-diyosan para sa pagkaing butil at inumin, at akoʼy kanilang tinalikuran.

15Dinisiplina ko sila upang silaʼy maging matatag, ngunit nagbalak pa rin sila ng masama laban sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.