Hoseas 7

Hindi bukal sa kanilang puso ang pagtawag nila sa akin, ngunit umiiyak sila sa kanilang higaan. Sinasaktan nila ang kanilang sarili habang sumasamo sa mga diyos-diyosan para sa pagkaing butil at inumin, at akoʼy kanilang tinalikuran.

Hosea 7:14 (UKJV) And they have not cried unto me with their heart, when they howled upon their beds: they assemble themselves for corn and wine, and they rebel against me.

12Subalit habang paparoon sila, pipigilan ko sila na parang ibon na nahuli sa lambat at hinila pababa. Parurusahan ko sila ayon sa aking sinabi sa kanilang pagtitipon.

13Nakakaawa sila dahil lumayo sila sa akin. Lilipulin ko sila dahil naghimagsik sila sa akin. Gusto ko sana silang iligtas, ngunit nagsalita sila ng kasinungalingan tungkol sa akin.

14Hindi bukal sa kanilang puso ang pagtawag nila sa akin, ngunit umiiyak sila sa kanilang higaan. Sinasaktan nila ang kanilang sarili habang sumasamo sa mga diyos-diyosan para sa pagkaing butil at inumin, at akoʼy kanilang tinalikuran.

15Dinisiplina ko sila upang silaʼy maging matatag, ngunit nagbalak pa rin sila ng masama laban sa akin.

16Lumapit sila sa mga bagay na walang kabuluhan. Para silang panang baluktot na walang pakinabang. Mamamatay sa digmaan ang kanilang mga pinuno dahil wala silang galang kapag nagsasalita. At dahil dito, kukutyain sila ng mga taga-Ehipto.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.