1Nais ko sanang pagalingin ang bansang Israel, subalit napakalaki ng kanilang pagkakasala at nabubunyag ang kanilang masasamang gawa. Silaʼy mga mandaraya; pinapasok ng magnanakaw ang mga tahanan, nagnanakaw sa daan ang mga kawatan.
2Hindi nila napagtanto na naaalala ko ang lahat ng kasamaang ginawa nila. Nilulunod na sila ng kanilang kasalanan; at ang lahat ng itoʼy aking namamasdan.
3“Napapasaya nila ang kanilang hari at mga pinuno sa kanilang kasamaan at kasinungalingan.
4Lahat silaʼy mga taksil. Para silang maiinit na pugon na hindi na kailangang paningasin ng panadero mula sa oras ng pagmamasa hanggang sa umalsa ang harina.
5Nang dumating ang kaarawan ng ng kanilang hari, nilasing nila ang mga opisyal nito. At pati ang hari ay nakipag-inuman sa kanyang mga mapanghusgang mga opisyal.