Hoseas 8

Pumili sila ng mga hari at mga opisyal na hindi ko pinili. Gumawa sila ng mga diyos-diyosan mula sa kanilang mga pilak at ginto, at ang mga ito ang nagdala sa kanila sa kapahamakan.

Hosea 8:4 (UKJV) They have set up kings, but not by me: they have made princes, and I knew it not: of their silver and their gold have they made them idols, that they may be cut off.

2Sumasamo sila sa akin, ‘Diyos ng Israel, kinikilala ka namin.’

3Ngunit itinakwil nila ang mabuti, kaya hahabulin sila ng kanilang kalaban.

4Pumili sila ng mga hari at mga opisyal na hindi ko pinili. Gumawa sila ng mga diyos-diyosan mula sa kanilang mga pilak at ginto, at ang mga ito ang nagdala sa kanila sa kapahamakan.

5Itinatakwil ko ang diyos-diyosang baka ng mga taga-Samaria. Galit na galit ako sa kanila. Hanggang kailan sila mananatiling marumi?

6Ang diyos-diyosang baka ng Samaria ay ginawa lamang ng mga platero na taga-Israel. Hindi iyon Diyos! Tiyak na dudurugin iyon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.