1Huwag kayong matuwa, Israel; huwag kayong magdiwang katulad ng mga ibang bansa. Sapagkat hindi kayo naging tapat sa inyong Diyos; nasisiyahan kayo sa inyong upa bilang babaeng bayaran, at inaakalang ang mga butil sa bawat giikan ay ibinigay ng inyong diyos-diyosan.
2Ngunit sa bandang huli, mauubusan kayo ng mga trigo at bagong alak.
3Lilisanin ninyo ang Israel, ang lupain ng Panginoon, at babalik kayo sa Ehipto, at ang iba sa inyo ay pupunta sa Asiria, at doon ay kakain kayo ng mga pagkaing itinuturing ninyong marumi.