1Huwag kayong matuwa, Israel; huwag kayong magdiwang katulad ng mga ibang bansa. Sapagkat hindi kayo naging tapat sa inyong Diyos; nasisiyahan kayo sa inyong upa bilang babaeng bayaran, at inaakalang ang mga butil sa bawat giikan ay ibinigay ng inyong diyos-diyosan.
2Ngunit sa bandang huli, mauubusan kayo ng mga trigo at bagong alak.
3Lilisanin ninyo ang Israel, ang lupain ng Panginoon, at babalik kayo sa Ehipto, at ang iba sa inyo ay pupunta sa Asiria, at doon ay kakain kayo ng mga pagkaing itinuturing ninyong marumi.
4Hindi na kayo papayagang magbuhos ng mga handog na inumin sa Panginoon. Wala sa anumang handog ninyo ang nakakalugod sa kanya. Ang mga itoʼy ituturing na marumi gaya ng pagkaing inihahain ng isang taong nagluluksa. Ang inyong mga pagkain ay para lamang sa inyong sarili at hindi maaaring ihandog sa Templo ng Panginoon.
5Kung ganoon, ano ngayon ang inyong gagawin kapag dumating ang mga espesyal na araw ng pagsamba o mga pista upang parangalan ang Panginoon?