4Hindi na kayo papayagang magbuhos ng mga handog na inumin sa Panginoon. Wala sa anumang handog ninyo ang nakakalugod sa kanya. Ang mga itoʼy ituturing na marumi gaya ng pagkaing inihahain ng isang taong nagluluksa. Ang inyong mga pagkain ay para lamang sa inyong sarili at hindi maaaring ihandog sa Templo ng Panginoon.
5Kung ganoon, ano ngayon ang inyong gagawin kapag dumating ang mga espesyal na araw ng pagsamba o mga pista upang parangalan ang Panginoon?
6Kahit na makatakas kayo sa kapahamakan, titipunin pa rin kayo sa Ehipto at ililibing sa Memfis. Matatakpan ng mga damo at matitinik na halaman ang inyong mga mamahaling kagamitang pilak pati ang inyong mga tolda.
7Mga taga-Israel, dumating na ang araw ng inyong kaparusahan, ang araw na gagantihan kayo sa inyong mga ginawa. At tiyak na malalaman ninyo na dumating na nga ito. Sinasabi ninyo, “Ang propetang iyan ay hangal, isang lingkod ng Diyos na nasisiraan ng ulo.” Sinasabi ninyo iyon dahil marami na kayong mga kasalanan at galit kayo sa akin.
8Bilang propeta, kasama ko ang Diyos sa pagbabantay sa inyo na mga taga-Israel. Ngunit kahit saan ako pumunta ay nais ninyo akong ipahamak; para akong ibon na gusto ninyong mahuli sa bitag. Galit sa akin ang mga tao sa Israel, na itinuturing ng Diyos na kanyang tahanan.