Jeremias 38

Sinabi ni Ebed-melec na taga-Cush kay Jeremias, “Isapin mo ang mga basahan at lumang damit sa kilikili mo upang hindi ka masaktan ng lubid.” At ito nga ang ginawa ni Jeremias.

Jeremiah 38:12 (UKJV) And Ebedmelech the Ethiopian said unto Jeremiah, Put now these old cast clouts and rotten rags under yours armholes under the cords. And Jeremiah did so.

10Kaya sinabi ni Haring Zedequias kay Ebed-melec na taga-Cush, “Magsama ka ng tatlumpung lalaki mula sa mga tao ko at kunin ninyo ang propetang si Jeremias sa balon bago pa siya mamatay.”

11Kaya isinama ni Ebed-melec ang mga tao at pumunta sila sa bodega ng palasyo, at kumuha ng mga basahan, lumang damit, at lubid at ibinaba nila kay Jeremias ang mga ito roon sa balon.

12Sinabi ni Ebed-melec na taga-Cush kay Jeremias, “Isapin mo ang mga basahan at lumang damit sa kilikili mo upang hindi ka masaktan ng lubid.” At ito nga ang ginawa ni Jeremias.

13Pagkatapos, iniahon nila si Jeremias mula sa loob ng balon at ibinalik sa himpilan ng mga guwardiya ng palasyo.

14Muling ipinatawag ni Haring Zedequias ang propetang si Jeremias doon sa pangatlong pintuan ng templo ng Panginoon. Sinabi ni Zedequias kay Jeremias, “May itatanong ako sa iyo, at nais kong sabihin mo sa akin ang totoo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.