11Kaya isinama ni Ebed-melec ang mga tao at pumunta sila sa bodega ng palasyo, at kumuha ng mga basahan, lumang damit, at lubid at ibinaba nila kay Jeremias ang mga ito roon sa balon.
12Sinabi ni Ebed-melec na taga-Cush kay Jeremias, “Isapin mo ang mga basahan at lumang damit sa kilikili mo upang hindi ka masaktan ng lubid.” At ito nga ang ginawa ni Jeremias.
13Pagkatapos, iniahon nila si Jeremias mula sa loob ng balon at ibinalik sa himpilan ng mga guwardiya ng palasyo.
14Muling ipinatawag ni Haring Zedequias ang propetang si Jeremias doon sa pangatlong pintuan ng templo ng Panginoon. Sinabi ni Zedequias kay Jeremias, “May itatanong ako sa iyo, at nais kong sabihin mo sa akin ang totoo.”
15Sinabi ni Jeremias kay Zedequias, “Kapag sinabi ko po sa inyo ang katotohanan, ipapapatay nʼyo pa rin ako. At kahit na payuhan ko po kayo, hindi rin po kayo maniniwala sa akin.”