13Pagkatapos, iniahon nila si Jeremias mula sa loob ng balon at ibinalik sa himpilan ng mga guwardiya ng palasyo.
14Muling ipinatawag ni Haring Zedequias ang propetang si Jeremias doon sa pangatlong pintuan ng templo ng Panginoon. Sinabi ni Zedequias kay Jeremias, “May itatanong ako sa iyo, at nais kong sabihin mo sa akin ang totoo.”
15Sinabi ni Jeremias kay Zedequias, “Kapag sinabi ko po sa inyo ang katotohanan, ipapapatay nʼyo pa rin ako. At kahit na payuhan ko po kayo, hindi rin po kayo maniniwala sa akin.”
16Ngunit lihim na sumumpa si Haring Zedequias kay Jeremias. Sinabi niya, “Sumusumpa ako sa buháy na Panginoon, na siya ring nagbigay ng buhay sa atin, na hindi kita papatayin o ibibigay sa mga nais pumatay sa iyo.”
17Sinabi ni Jeremias kay Zedequias, “Ito ang sinabi ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, ‘Kung susuko po kayo sa mga pinuno ng hari ng Babilonia, maliligtas po ang buhay nʼyo at hindi po nila susunugin ang lungsod na ito. Kayo po at ang sambahayan nʼyo ay mabubuhay.