Jeremias 38

Muling ipinatawag ni Haring Zedequias ang propetang si Jeremias doon sa pangatlong pintuan ng templo ng Panginoon. Sinabi ni Zedequias kay Jeremias, “May itatanong ako sa iyo, at nais kong sabihin mo sa akin ang totoo.”

Jeremiah 38:14 (UKJV) Then Zedekiah the king sent, and took Jeremiah the prophet unto him into the third entry that is in the house of the LORD: and the king said unto Jeremiah, I will ask you a thing; hide nothing from me.

12Sinabi ni Ebed-melec na taga-Cush kay Jeremias, “Isapin mo ang mga basahan at lumang damit sa kilikili mo upang hindi ka masaktan ng lubid.” At ito nga ang ginawa ni Jeremias.

13Pagkatapos, iniahon nila si Jeremias mula sa loob ng balon at ibinalik sa himpilan ng mga guwardiya ng palasyo.

14Muling ipinatawag ni Haring Zedequias ang propetang si Jeremias doon sa pangatlong pintuan ng templo ng Panginoon. Sinabi ni Zedequias kay Jeremias, “May itatanong ako sa iyo, at nais kong sabihin mo sa akin ang totoo.”

15Sinabi ni Jeremias kay Zedequias, “Kapag sinabi ko po sa inyo ang katotohanan, ipapapatay nʼyo pa rin ako. At kahit na payuhan ko po kayo, hindi rin po kayo maniniwala sa akin.”

16Ngunit lihim na sumumpa si Haring Zedequias kay Jeremias. Sinabi niya, “Sumusumpa ako sa buháy na Panginoon, na siya ring nagbigay ng buhay sa atin, na hindi kita papatayin o ibibigay sa mga nais pumatay sa iyo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.