19Ngunit pababalikin ko ang mga Israelita sa kanilang bansa. Magiging parang mga tupa silang nanginginain sa kabundukan ng Carmel at sa kapatagan ng Bashan, at sa kaburulan ng Efraim at Gilead, at silaʼy mabubusog.
20Sa mga araw na iyon,” sabi ng Panginoon “wala nang makikitang mga kasalanan at pagsuway sa mga natitirang mga mamamayan ng Israel at Juda sapagkat patatawarin ko na sila.
21“Salakayin ninyo ang Merataim at ang mga nakatira sa Pekod. Patayin ninyo sila at lipulin nang lubusan bilang handog para sa akin,” sabi ng Panginoon. “Gawin ninyo ang lahat ng iniuutos ko sa inyo.
22Iparinig nʼyo ang sigawan ng labanan at ingay ng puspusang pangwawasak.
23Ang Babilonia ay parang martilyong dumurog ng mga bansa, subalit ngayon siya na ang nadurog. Nakita ng mga bansa kung paano nawasak ang Babilonia!