Jeremias 50

Kung paanong winasak ng Diyos ang Sodoma at Gomora, at ang mga bayan sa palibot nito, ganoon din ang mangyayari sa Babilonia. Wala nang taong maninirahan doon,” sabi ng Panginoon.

Jeremiah 50:40 (UKJV) As God overthrew Sodom and Gomorrah and the neighbour cities thereof, says the LORD; so shall no man abide there, neither shall any son of man dwell therein.

38Matutuyo ang lahat ng pinagkukunan niya ng tubig! Sapagkat ang Babilonia ay lugar na punong-puno ng napakaraming diyos-diyosan, mga diyos-diyosang nagliligaw sa mga tao.

39“At ang Babilonia ay titirhan na lang ng mga hayop sa gubat, mababangis na hayop, mga asong-gubat, at mga kuwago. At hindi na maninirahan ang tao sa Babilonia magpakailanman.

40Kung paanong winasak ng Diyos ang Sodoma at Gomora, at ang mga bayan sa palibot nito, ganoon din ang mangyayari sa Babilonia. Wala nang taong maninirahan doon,” sabi ng Panginoon.

41“Tingnan ninyo! May mga sundalong dumarating mula sa hilaga. Isang makapangyarihang bansa at ang mga hari mula sa malayong lupain na lalaban sa Babilonia.

42Ang dala nilang mga sandata ay mga pana at mga sibat. Malulupit sila at walang habag. Ang ingay nilaʼy parang malalakas na alon habang nakasakay sila sa kanilang mga kabayo. Darating sila na handang-handa para salakayin kayong mga taga-Babilonia.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.