7Tingnan ninyo! Iyan ang karwahe ni Solomon na napapalibutan ng animnapung pinakamagagaling na kawal ng Israel.
8Lahat silaʼy mayroong espada at bihasa sa pakikipaglaban. Laging handa kahit sa gabi man sumalakay.
9Ang karwaheng iyon na ipinagawa ni Haring Solomon ay yari sa kahoy na galing sa Lebanon.
10Nababalot sa pilak ang haligi nito at palamuting ginto ang tumatakip dito. Ang kutson ng upuan ay binalot sa telang kulay ube at mga babaeng taga-Jerusalem ang nagpaganda ng loob ng karwahe.
11Lumabas kayo, kayong mga dalaga ng Jerusalem, at tingnan ninyo si Haring Solomon na may korona. Ipinutong ito sa kanya ng kanyang ina sa araw ng kanyang kasal, ang araw na buong puso niyang ikinagalak.