Hoseas 10

Mapanlinlang sila, at ngayon dapat na nilang pagdusahan ang kanilang mga kasalanan. Gigibain ng Panginoon ang mga altar nila at mga sagradong bato.

Hosea 10:2 (UKJV) Their heart is divided; now shall they be found faulty: he shall break down their altars, he shall spoil their images.

1Ang Israel ay parang tanim na lumalago na mayabong at hitik sa bunga. Ngunit habang umuunlad siya, dumarami rin ang mga altar na ipinapatayo niya. Habang ang lupain niyaʼy pinagpapala, lalo rin niyang pinapalamutian ng maganda ang mga sagradong bato na kanyang sinasamba.

2Mapanlinlang sila, at ngayon dapat na nilang pagdusahan ang kanilang mga kasalanan. Gigibain ng Panginoon ang mga altar nila at mga sagradong bato.

3Siguradong sasabihin nila sa bandang huli, “Wala kaming hari dahil wala kaming takot sa Panginoon. Subalit kahit na may hari kami, wala rin itong magagawang mabuti para sa amin.”

4Puro salita lang sila ngunit hindi naman nila tinutupad. Nanunumpa sila ng kasinungalingan at gumagawa ng kasunduan na hindi naman nila tinutupad. Kaya ang katarungan ay parang nakakalasong damo na tumutubo sa binungkal na lupain.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.