2Mapanlinlang sila, at ngayon dapat na nilang pagdusahan ang kanilang mga kasalanan. Gigibain ng Panginoon ang mga altar nila at mga sagradong bato.
3Siguradong sasabihin nila sa bandang huli, “Wala kaming hari dahil wala kaming takot sa Panginoon. Subalit kahit na may hari kami, wala rin itong magagawang mabuti para sa amin.”
4Puro salita lang sila ngunit hindi naman nila tinutupad. Nanunumpa sila ng kasinungalingan at gumagawa ng kasunduan na hindi naman nila tinutupad. Kaya ang katarungan ay parang nakakalasong damo na tumutubo sa binungkal na lupain.
5Matatakot ang mga mamamayan ng Samaria dahil sa diyos-diyosang guya sa Bet-aven. Sila at ang kanilang mga pari na nagagalak sa kagandahan ng mga diyos-diyosan nila ay iiyak dahil kukunin iyon sa kanila
6at dadalhin sa Asiria at ihahandog sa dakilang hari doon. Mapapahiya ang Israel sa kanyang pagtitiwala sa mga diyos-diyosan.