8“Mga taga-Israel, hindi ko magagawa na itakwil kayo o pabayaan na lang. Hindi ko magagawang lipulin kayo nang lubusan gaya ng ginawa ko sa mga lungsod ng Adma at Zeboim. Hindi matatanggap ng aking kalooban na gawin ko ito sa inyo. Awang-awa ako sa inyo.
9Hindi ko na ipadarama ang matindi kong galit; hindi ko na gigibain ang Israel, dahil akoʼy Diyos at hindi tao. Ako ang Banal na Diyos na kasama ninyo. Hindi ako paparito sa inyo nang may galit.
10Susunod kayo sa akin na inyong Panginoon kapag umatungal ako na parang leon. Kapag umatungal na ako, kayong mga anak ko ay uuwi na nanginginig mula sa kanluran.
11Takot kayong darating, nanginginig na parang mga ibon mula sa Ehipto o parang mga kalapating mula sa Asiria. Ibabalik ko kayo sa inyong mga tahanan,” sabi ng Panginoon.
12Sinabi pa ng Panginoon, “Palagi akong pinagsisinungalingan at niloloko ng mga taga-Israel. Ang mga taga-Juda ay patuloy na lumalayo sa akin, ang Diyos na banal at tapat.”