6Lulusubin ng mga kalaban ang kanilang mga lungsod at sisirain ang mga tarangkahan ng pintuan nito. Wawakasan ng mga kaaway ang lahat nilang balak.
7Nagpasyang lumayo sa akin ang aking mga mamamayan. Kaya kahit na sama-sama pa sila na dumulog sa akin na Kataas-taasang Diyos, hindi ko sila tutulungan.
8“Mga taga-Israel, hindi ko magagawa na itakwil kayo o pabayaan na lang. Hindi ko magagawang lipulin kayo nang lubusan gaya ng ginawa ko sa mga lungsod ng Adma at Zeboim. Hindi matatanggap ng aking kalooban na gawin ko ito sa inyo. Awang-awa ako sa inyo.
9Hindi ko na ipadarama ang matindi kong galit; hindi ko na gigibain ang Israel, dahil akoʼy Diyos at hindi tao. Ako ang Banal na Diyos na kasama ninyo. Hindi ako paparito sa inyo nang may galit.
10Susunod kayo sa akin na inyong Panginoon kapag umatungal ako na parang leon. Kapag umatungal na ako, kayong mga anak ko ay uuwi na nanginginig mula sa kanluran.