4Pinatnubayan ko sila nang buong pagmamahal, tulad ng isang taong nag-aangat ng pamatok sa baka upang mapakain ito.
5“Ngunit dahil ayaw nilang bumalik sa akin, babalik sila sa Ehipto, at paghaharian sila ng Asiria.
6Lulusubin ng mga kalaban ang kanilang mga lungsod at sisirain ang mga tarangkahan ng pintuan nito. Wawakasan ng mga kaaway ang lahat nilang balak.
7Nagpasyang lumayo sa akin ang aking mga mamamayan. Kaya kahit na sama-sama pa sila na dumulog sa akin na Kataas-taasang Diyos, hindi ko sila tutulungan.
8“Mga taga-Israel, hindi ko magagawa na itakwil kayo o pabayaan na lang. Hindi ko magagawang lipulin kayo nang lubusan gaya ng ginawa ko sa mga lungsod ng Adma at Zeboim. Hindi matatanggap ng aking kalooban na gawin ko ito sa inyo. Awang-awa ako sa inyo.