10Nasaan na ngayon ang mga hari at mga pinuno na sa tingin ninyoʼy magliligtas sa inyo? Hiningi ninyo sila sa akin sa pag-aakalang maliligtas nila kayo, at sa galit ko sa inyoʼy ibinigay ko nga ang mga ito, at dahil din sa galit ko, silaʼy kinuha ko.
12Hindi ko makakalimutan ang mga kasalanan ninyo. Katulad ang mga ito ng kasulatang binalot at itinago.
13Binigyan ko kayo ng pagkakataong magbagong-buhay subalit tinanggihan ninyo ito sapagkat mga mangmang kayo. Para kayong mga sanggol na ayaw lumabas sa sinapupunan ng kanyang ina sa panahon na dapat na siyang lumabas.
14“Hindi ko kayo ililigtas sa kamatayan. Sa halip sasabihin ko sa kamatayan, ‘O kamatayan, nasaan ang iyong mga salot? Nasaan ang iyong kapahamakan na papatay sa kanila?’ “Hinding-hindi ko kayo kahahabagan.