Hoseas 4

upang sumamba sa mga diyos-diyosan. Mga mamamayan ko, ang bago at lumang alak ay nakakasira ng inyong pang-unawa.

Hosea 4:11 (UKJV) Whoredom and wine and new wine take away the heart.

9Kaya kung paano ko parurusahan ang mga mamamayan, ganoon ko rin parurusahan kayong mga pari dahil sa masasama ninyong ginawa.

10“Kumakain nga kayo ngunit hindi kayo nabubusog. Sumasamba kayo sa mga diyos-diyosan upang kayoʼy magkaanak. Ngunit hindi kayo magkakaanak sapagkat itinakwil ninyo ang Panginoon

11upang sumamba sa mga diyos-diyosan. Mga mamamayan ko, ang bago at lumang alak ay nakakasira ng inyong pang-unawa.

12Sumasangguni kayo sa diyos-diyosang kahoy, at sa tungkod na sabi ninyoʼy sumasagot. Iniligaw kayo ng espiritu ng pagtataksil tulad ng babaeng bayaran at akoʼy inyong iniwan upang habulin ang ibang diyos-diyosan.

13Naghahandog kayo sa tuktok ng mga bundok at mga burol, sa ilalim ng matataas at mayayabong na mga kahoy, dahil masarap lumilim doon. Kaya ang inyong mga anak na babae ay nakikipagsiping sa mga lalaki at ang inyong mga manugang na babae ay nangangalunya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.