7Habang dumarami kayong mga pari, dumarami rin ang mga kasalanan ninyo sa akin. Ipinagpalit ninyo ang luwalhati ng Diyos sa nakakahiyang mga diyos-diyosan.
8Gusto ninyong magkasala ang aking mga mamamayan upang makakain kayo mula sa kanilang mga handog sa paglilinis.
9Kaya kung paano ko parurusahan ang mga mamamayan, ganoon ko rin parurusahan kayong mga pari dahil sa masasama ninyong ginawa.
10“Kumakain nga kayo ngunit hindi kayo nabubusog. Sumasamba kayo sa mga diyos-diyosan upang kayoʼy magkaanak. Ngunit hindi kayo magkakaanak sapagkat itinakwil ninyo ang Panginoon
11upang sumamba sa mga diyos-diyosan. Mga mamamayan ko, ang bago at lumang alak ay nakakasira ng inyong pang-unawa.