Hoseas 4

“Ngunit hindi ko sila parurusahan sa kanilang ginagawang masama, dahil kayong mga lalaki ay sumisiping din sa mga babaeng bayaran sa templo at kasama pa nilang naghahandog sa mga diyos-diyosan. Sapagkat kayoʼy mga mangmang sa katotohanan, mapapahamak kayo.

Hosea 4:14 (UKJV) I will not punish your daughters when they commit whoredom, nor your spouses when they commit adultery: for themselves are separated with whores, and they sacrifice with harlots: therefore the people that does not understand shall fall.

12Sumasangguni kayo sa diyos-diyosang kahoy, at sa tungkod na sabi ninyoʼy sumasagot. Iniligaw kayo ng espiritu ng pagtataksil tulad ng babaeng bayaran at akoʼy inyong iniwan upang habulin ang ibang diyos-diyosan.

13Naghahandog kayo sa tuktok ng mga bundok at mga burol, sa ilalim ng matataas at mayayabong na mga kahoy, dahil masarap lumilim doon. Kaya ang inyong mga anak na babae ay nakikipagsiping sa mga lalaki at ang inyong mga manugang na babae ay nangangalunya.

14“Ngunit hindi ko sila parurusahan sa kanilang ginagawang masama, dahil kayong mga lalaki ay sumisiping din sa mga babaeng bayaran sa templo at kasama pa nilang naghahandog sa mga diyos-diyosan. Sapagkat kayoʼy mga mangmang sa katotohanan, mapapahamak kayo.

15“Mga taga-Israel, kahit na akoʼy tinalikuran ninyo tulad ng babaeng nangalunya, huwag na ninyong idamay ang mga taga-Juda.” “At kayong mga taga-Juda, huwag kayong pumunta sa Gilgal at sa Bet-aven upang sumamba sa akin o gumawa ng mga pangako sa pangalan ng Panginoon.

16Sapagkat matigas ang ulo ng mga taga-Israel katulad ng dumalagang baka na ayaw sumunod. Kaya paano sila mababantayan ng Panginoon tulad ng mga tupang nasa pastulan?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.