Hoseas 5

Nagtaksil kayo sa Panginoon, dahil nagkaanak kayo sa labas. Kaya lilipulin ko kayo at sisirain ko ang lupain ninyo sa loob lamang ng isang buwan.

Hosea 5:7 (UKJV) They have dealt treacherously against the LORD: for they have begotten strange children: now shall a month devour them with their portions.

5Ang pagmamataas ninyo ay nagpapatunay na dapat kayong parusahan. At dahil sa mga kasalanan nʼyo, mapapahamak kayo, kayong mga taga-Israel pati ang lahi ni Efraim kasama ang mga taga-Juda.

6Maghahandog kayo ng mga tupa, mga kambing, at mga baka sa paglapit ninyo sa Panginoon. Ngunit hindi ninyo mararanasan ang presensya ko sapagkat itinakwil ko na kayo.

7Nagtaksil kayo sa Panginoon, dahil nagkaanak kayo sa labas. Kaya lilipulin ko kayo at sisirain ko ang lupain ninyo sa loob lamang ng isang buwan.

8“Hipan ninyo ang mga trumpeta upang bigyang babala ang mga tao sa Gibea at Rama! Iparinig ang sigaw ng digmaan sa Bet-aven! Magbantay kayo, kayong mga mamamayan ng Benjamin.

9Mawawasak ang Israel sa araw ng pagpaparusa. Tiyak na mangyayari ang sinasabi ko laban sa mga lahi ng Israel!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.