Hoseas 7

Ang pagmamataas ng Israel ay nagpapatunay na dapat silang parusahan. Subalit kahit nangyayari ang lahat ng ito sa kanila, hindi pa rin sila nagbalik-loob at lumapit sa akin na kanilang Panginoon.

Hosea 7:10 (UKJV) And the pride of Israel testifies to his face: and they do not return to the LORD their God, nor seek him for all this.

8“Nakikisalamuha ang Israel sa ibang mga bansa. Nasira tuloy siya, tulad ng tinapay na hindi nabaliktad.

9Inuubos ng mga taga-ibang bansa ang kanilang kakayahan, ngunit hindi nila ito namamalayan; katulad sila ng isang taong pumuputi na ang buhok ngunit hindi niya ito napapansin.

10Ang pagmamataas ng Israel ay nagpapatunay na dapat silang parusahan. Subalit kahit nangyayari ang lahat ng ito sa kanila, hindi pa rin sila nagbalik-loob at lumapit sa akin na kanilang Panginoon.

11“Tulad sila ng kalapating madaling lokohin at walang pang-unawa. Humingi sila ng tulong sa Ehipto at Asiria.

12Subalit habang paparoon sila, pipigilan ko sila na parang ibon na nahuli sa lambat at hinila pababa. Parurusahan ko sila ayon sa aking sinabi sa kanilang pagtitipon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.