6At habang papalapit sila sa hari at sa kanyang mga opisyal upang patayin, nagniningas ang kanilang galit na parang mainit na pugon. Bago pa man sila sumalakay, magdamag nilang tinitimpi ang kanilang galit, kaya kinaumagahan para na itong nagniningas na apoy.
7Galit na galit silang lahat tulad ng nagniningas na pugon. Kaya pinatay nila ang kanilang mga pinuno. Bumagsak lahat ang kanilang mga hari, ngunit wala ni isa man sa kanila ang humingi ng tulong sa akin.
8“Nakikisalamuha ang Israel sa ibang mga bansa. Nasira tuloy siya, tulad ng tinapay na hindi nabaliktad.
9Inuubos ng mga taga-ibang bansa ang kanilang kakayahan, ngunit hindi nila ito namamalayan; katulad sila ng isang taong pumuputi na ang buhok ngunit hindi niya ito napapansin.
10Ang pagmamataas ng Israel ay nagpapatunay na dapat silang parusahan. Subalit kahit nangyayari ang lahat ng ito sa kanila, hindi pa rin sila nagbalik-loob at lumapit sa akin na kanilang Panginoon.