Hoseas 8

Ngunit kahit nagpasakop siya sa mga bansang iyon, titipunin ko ngayon ang kanyang mga mamamayan at parurusahan. At magsisimula na ang kanilang paghihirap sa pang-aapi ng isang hari at ng mga opisyal niya.

Hosea 8:10 (UKJV) Yea, though they have hired among the nations, now will I gather them, and they shall sorrow a little for the burden of the king of princes.

8Ang Israel ay nilamon ng ibang bansa. At ngayong nakikisalamuha siya sa kanila, para na siyang kasangkapang walang silbi.

9Para siyang asnong-gubat na nag-iisa at naliligaw. Humingi siya ng tulong sa Asiria; binayaran niya ang kanyang mga kakamping bansa para ipagtanggol siya.

10Ngunit kahit nagpasakop siya sa mga bansang iyon, titipunin ko ngayon ang kanyang mga mamamayan at parurusahan. At magsisimula na ang kanilang paghihirap sa pang-aapi ng isang hari at ng mga opisyal niya.

11“Nagpagawa nga sila ng maraming altar para sa mga handog sa paglilinis, subalit doon din sila gumawa ng kasalanan.

12Kahit sa kanilaʼy ipinagkaloob ko ang lahat kong kautusan, ngunit sa kanilang paningin, wariʼy hindi para sa kanila ang mga ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.