Jeremias 21

“Ipakiusap mo sa Panginoon na tulungan kami, dahil sinasalakay na kami ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia. Baka sakaling gumawa ng himala ang Panginoon katulad ng ginawa niya noon, upang mapigilan ang pagsalakay ni Nebucadnezar.”

Jeremiah 21:2 (UKJV) Enquire, I pray you, of the LORD for us; for Nebuchadrezzar king of Babylon makes war against us; if so be that the LORD will deal with us according to all his wondrous works, that he may go up from us.

1Ngayon, nagsalita ang Panginoon kay Jeremias nang sinugo ni Haring Zedequias si Pashur na anak ni Malquias at ang paring si Zefanias na anak ni Maaseya. Sinabi nila,

2“Ipakiusap mo sa Panginoon na tulungan kami, dahil sinasalakay na kami ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia. Baka sakaling gumawa ng himala ang Panginoon katulad ng ginawa niya noon, upang mapigilan ang pagsalakay ni Nebucadnezar.”

3Ngunit sinagot sila ni Jeremias,

4“Sabihin ninyo kay Zedequias na ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, ‘Magiging walang kabuluhan ang mga sandata na inyong ginagamit sa pakikipagdigma ninyo sa hari ng Babilonia at sa mga kawal niya na nakapaligid na sa inyo. Titipunin ko sila sa gitna ng lungsod na ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.