Jeremias 21

“Sabihin ninyo kay Zedequias na ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, ‘Magiging walang kabuluhan ang mga sandata na inyong ginagamit sa pakikipagdigma ninyo sa hari ng Babilonia at sa mga kawal niya na nakapaligid na sa inyo. Titipunin ko sila sa gitna ng lungsod na ito.

Jeremiah 21:4 (UKJV) Thus says the LORD God of Israel; Behold, I will turn back the weapons of war that are in your hands, wherewith all of you fight against the king of Babylon, and against the Chaldeans, which besiege you without the walls, and I will assemble them into the midst of this city.

2“Ipakiusap mo sa Panginoon na tulungan kami, dahil sinasalakay na kami ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia. Baka sakaling gumawa ng himala ang Panginoon katulad ng ginawa niya noon, upang mapigilan ang pagsalakay ni Nebucadnezar.”

3Ngunit sinagot sila ni Jeremias,

4“Sabihin ninyo kay Zedequias na ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, ‘Magiging walang kabuluhan ang mga sandata na inyong ginagamit sa pakikipagdigma ninyo sa hari ng Babilonia at sa mga kawal niya na nakapaligid na sa inyo. Titipunin ko sila sa gitna ng lungsod na ito.

5Ako mismo ang makikipaglaban sa inyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ko dahil sa matindi kong galit.

6Papatayin ko ang lahat ng naninirahan sa lungsod na ito, tao man o hayop. Mamamatay sila sa matinding salot.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.