Ang Awit 2

Aking kalapating nagtatago sa mga bitak ng malaking bato, sa mga taguan sa bangin. Ipakita mo sa akin ang iyong mukha, at iparinig din ang iyong tinig, dahil napakalambing ng tinig mo, at napakaganda ng mukha mo.

Song of Solomon 2:14 (UKJV) O my dove, that are in the clefts of the rock, in the secret places of the stairs, let me see your countenance, let me hear your voice; for sweet is your voice, and your countenance is comely.

12Namumukadkad na ang mga bulaklak sa parang, panahon na ng pag-aawitan at maririnig na rin ang huni ng mga kalapati sa kabukiran.

13Ang mga bunga ng igos ay hinog na at humahalimuyak ang bulaklak ng mga ubas. Halika na irog kong maganda, sa akin ay sumáma ka na.”

14Aking kalapating nagtatago sa mga bitak ng malaking bato, sa mga taguan sa bangin. Ipakita mo sa akin ang iyong mukha, at iparinig din ang iyong tinig, dahil napakalambing ng tinig mo, at napakaganda ng mukha mo.

15Bilis! Hulihin ang mga asong-gubat na sumisira ng aming mga ubasang namumulaklak.

16Akin lang ang mahal ko, at ako naman ay kanya lang. Nagpapastol siya sa gitna ng mga liryo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.