Ang Awit 2

Kung ihahambing sa ibang kabinataan, ang mahal koʼy tulad ng puno ng mansanas sa gitna ng mga puno sa kagubatan. Nananabik akong maupo sa lilim niya, at tikman ang matamis niyang bunga.

Song of Solomon 2:3 (UKJV) As the apple tree among the trees of the wood, so is my beloved among the sons. I sat down under his shadow with great delight, and his fruit was sweet to my taste.

1Akoʼy isang bulaklak lamang ng Saron, isang liryo sa lambak.

2Kung ihahambing sa ibang kababaihan, ang irog koʼy tulad ng liryo sa gitna ng matinik na halamanan.

3Kung ihahambing sa ibang kabinataan, ang mahal koʼy tulad ng puno ng mansanas sa gitna ng mga puno sa kagubatan. Nananabik akong maupo sa lilim niya, at tikman ang matamis niyang bunga.

4Dinala niya ako sa isang handaan upang ipakita sa lahat na ako ay kanyang minamahal.

5Pakainin ninyo ako ng pasas at mansanas upang akoʼy muling lumakas, sapagkat nanghina ako dahil sa pag-ibig.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.