Ang Awit 5

Ang mga pisngi niyaʼy kasimbango ng mga harding punong-puno ng mga halamang ginagawang pabango. Ang mga labi niyaʼy parang mga liryo na tumutulo ng mira.

Song of Solomon 5:13 (UKJV) His cheeks are as a bed of spices, as sweet flowers: his lips like lilies, dropping sweet smelling myrrh.

11Ang ulo niyaʼy parang pinakapurong ginto. Buhok niyaʼy kulot at kasing-itim ng uwak.

12Mga mata niyaʼy kumikinang tulad ng kalapati sa tabi ng batis, parang itong hinugasan ng gatas at nakakabit na parang hiyas.

13Ang mga pisngi niyaʼy kasimbango ng mga harding punong-puno ng mga halamang ginagawang pabango. Ang mga labi niyaʼy parang mga liryo na tumutulo ng mira.

14Mga bisig niyaʼy tila mahahabang bareta ng ginto na napapalamutian ng mamahaling bato. Katawaʼy tila pangil ng elepante, makinang at napapalamutian ng mga batong safiro.

15Mga paa niyaʼy tulad ng mga haliging marmol na nakatayo sa pundasyong ginto. Napakaganda niyang pagmasdan, tulad ng mga puno ng sedro sa Lebanon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.