Ang Awit 5

Nakita ako ng mga guwardiya na naglilibot sa lungsod. Pinalo nila ako, at akoʼy nasugatan. Kinuha pa nila ang aking damit.

Song of Solomon 5:7 (UKJV) The watchmen that went about the city found me, they stroke me, they wounded me; the keepers of the walls took away my veil from me.

5Akoʼy bumangon upang ang aking sintaʼy papasukin. Basang-basa ng pabango ang mga kamay ko, tumutulo ang mira sa daliri ko sa tarangkahan ng pinto.

6Binuksan ko ang pinto para sa aking mahal, ngunit wala na siya. Hinanap ko siya, ngunit hindi ko siya makita. Tinawag ko siya, ngunit walang sumagot.

7Nakita ako ng mga guwardiya na naglilibot sa lungsod. Pinalo nila ako, at akoʼy nasugatan. Kinuha pa nila ang aking damit.

8Kayong mga babae ng Jerusalem, mangako kayo sa akin! Kapag nakita ninyo ang aking mahal, sabihin ninyo sa kanyang nanghihina ako dahil sa pag-ibig.

9O babaeng pinakamaganda, ano baʼng mayroon sa iyong minamahal na wala sa iba, at kami ay iyong pinasusumpa pa? Siya baʼy talagang nakakahigit sa iba?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.