Ang Awit 5

O babaeng pinakamaganda, ano baʼng mayroon sa iyong minamahal na wala sa iba, at kami ay iyong pinasusumpa pa? Siya baʼy talagang nakakahigit sa iba?

Song of Solomon 5:9 (UKJV) What is your beloved more than another beloved, O you fairest among women? what is your beloved more than another beloved, that you do so charge us?

7Nakita ako ng mga guwardiya na naglilibot sa lungsod. Pinalo nila ako, at akoʼy nasugatan. Kinuha pa nila ang aking damit.

8Kayong mga babae ng Jerusalem, mangako kayo sa akin! Kapag nakita ninyo ang aking mahal, sabihin ninyo sa kanyang nanghihina ako dahil sa pag-ibig.

9O babaeng pinakamaganda, ano baʼng mayroon sa iyong minamahal na wala sa iba, at kami ay iyong pinasusumpa pa? Siya baʼy talagang nakakahigit sa iba?

10Ang aking mahal ay maningning at ang kutis niyaʼy mamula-mula. Sa sampung libong lalaki ay nakahihigit siya.

11Ang ulo niyaʼy parang pinakapurong ginto. Buhok niyaʼy kulot at kasing-itim ng uwak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.