Ang Awit 5

Ang aking mahal ay maningning at ang kutis niyaʼy mamula-mula. Sa sampung libong lalaki ay nakahihigit siya.

Song of Solomon 5:10 (UKJV) My beloved is white and rosy, the chiefest among ten thousand.

8Kayong mga babae ng Jerusalem, mangako kayo sa akin! Kapag nakita ninyo ang aking mahal, sabihin ninyo sa kanyang nanghihina ako dahil sa pag-ibig.

9O babaeng pinakamaganda, ano baʼng mayroon sa iyong minamahal na wala sa iba, at kami ay iyong pinasusumpa pa? Siya baʼy talagang nakakahigit sa iba?

10Ang aking mahal ay maningning at ang kutis niyaʼy mamula-mula. Sa sampung libong lalaki ay nakahihigit siya.

11Ang ulo niyaʼy parang pinakapurong ginto. Buhok niyaʼy kulot at kasing-itim ng uwak.

12Mga mata niyaʼy kumikinang tulad ng kalapati sa tabi ng batis, parang itong hinugasan ng gatas at nakakabit na parang hiyas.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.