Ang Awit 6

Ang aking mahal ay nagpunta sa kanyang hardin, sa taniman ng mga halaman na ginagawang pabango, upang dooʼy mamasyal at manguha ng mga liryo.

Song of Solomon 6:2 (UKJV) My beloved is gone down into his garden, to the beds of spices, to feed in the gardens, and to gather lilies.

1O babaeng pinakamaganda, nasaan na ang iyong mahal? Saan siya nagpunta upang matulungan ka naming hanapin siya?

2Ang aking mahal ay nagpunta sa kanyang hardin, sa taniman ng mga halaman na ginagawang pabango, upang dooʼy mamasyal at manguha ng mga liryo.

3Akoʼy sa aking mahal, at ang mahal ko naman ay sa akin lang. Nagpapastol siya sa gitna ng mga liryo.

4O napakaganda mo, irog ko. Kasingganda ka ng lungsod ng Tirza at kabigha-bighani gaya ng Jerusalem. Kamangha-mangha ka gaya ng mga kawal na may dalang mga bandila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.