Ang Awit 7

At aking sinabi, “Aakyatin ko ang palma at hahawak sa kanyang mga bunga.” Ang iyong dibdib ay tulad ng mga kumpol ng ubas at ang samyo ng iyong hininga ay kasimbango ng mansanas.

Song of Solomon 7:8 (UKJV) I said, I will go up to the palm tree, I will take hold of the boughs thereof: now also your breasts shall be as clusters of the vine, and the smell of your nose like apples;

6O napakaganda mo, aking sinta, umaapaw ka sa kariktan.

7Ang tindig moʼy parang puno ng palma at ang dibdib moʼy parang kumpol ng mga bunga nito.

8At aking sinabi, “Aakyatin ko ang palma at hahawak sa kanyang mga bunga.” Ang iyong dibdib ay tulad ng mga kumpol ng ubas at ang samyo ng iyong hininga ay kasimbango ng mansanas.

9Ang halik moʼy kasintamis ng pinakamasarap na alak, na dahan-dahang dumadaloy sa mga labi at ngipin.

10Ako ay sa kanya lamang, at ako lamang ang kanyang inaasam.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.