Hoseas 4

Sa halip, laganap ang paggawa ng masama sa kapwa, pagsisinungaling, pagpatay, pagnanakaw at pangangalunya. Laganap ito kahit saan, at sunod-sunod ang patayan.

Hosea 4:2 (UKJV) By swearing, and lying, and killing, and stealing, and committing adultery, they break out, and blood touches blood.

1Kayong mga Israelitang naninirahan sa lupain ng Israel, pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon sapagkat may paratang siya laban sa inyo: “Wala ni isa man sa inyong lupain ang tapat, nagmamahal, at kumikilala sa akin.

2Sa halip, laganap ang paggawa ng masama sa kapwa, pagsisinungaling, pagpatay, pagnanakaw at pangangalunya. Laganap ito kahit saan, at sunod-sunod ang patayan.

3Dahil dito, natutuyo ang inyong lupain at ang mga naninirahan doon ay namamatay, pati mga hayop: ang lumalakad, lumilipad, at ang lumalangoy.

4“Ngunit walang sinuman ang dapat mang-usig o mang-akusa sa kanyang kapwa sapagkat kayong mga pari ang gusto kong isakdal.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.