Ang Awit 1

Napakaganda ng iyong mga pisngi, na lalong pinaganda ng mga alahas. O anong ganda rin ng iyong leeg na sinuotan ng kuwintas.

Song of Solomon 1:10 (UKJV) Your cheeks are comely with rows of jewels, your neck with chains of gold.

8Kung hindi mo alam, O babaeng ubod ng ganda, sundan ang bakas ng aking mga tupa. Papunta ito sa tolda ng mga pastol, at mga batang kambing mo ay doon mo na rin ipastol.

9O irog ko, tulad moʼy isang babaeng kabayo ng karwahe ng hari ng Ehipto.

10Napakaganda ng iyong mga pisngi, na lalong pinaganda ng mga alahas. O anong ganda rin ng iyong leeg na sinuotan ng kuwintas.

11Ikaʼy igagawa namin ng alahas na yari sa mga ginto at pilak.

12Habang ang hariʼy nasa kanyang mesa, pabango koʼy humahalimuyak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.