7Mahal, sabihin mo sa akin kung saan ka nagpapastol ng iyong kawan ng mga tupa. Saan mo sila pinagpapahinga tuwing tanghali? Sabihin mo sa akin upang hindi na kita hanapin sa mga kaibigan mong nagpapastol din. Dahil baka akoʼy mapagkamalan na isang babaeng bayaran.
8Kung hindi mo alam, O babaeng ubod ng ganda, sundan ang bakas ng aking mga tupa. Papunta ito sa tolda ng mga pastol, at mga batang kambing mo ay doon mo na rin ipastol.
9O irog ko, tulad moʼy isang babaeng kabayo ng karwahe ng hari ng Ehipto.
10Napakaganda ng iyong mga pisngi, na lalong pinaganda ng mga alahas. O anong ganda rin ng iyong leeg na sinuotan ng kuwintas.
11Ikaʼy igagawa namin ng alahas na yari sa mga ginto at pilak.