Ang Awit 1

Mahal, sabihin mo sa akin kung saan ka nagpapastol ng iyong kawan ng mga tupa. Saan mo sila pinagpapahinga tuwing tanghali? Sabihin mo sa akin upang hindi na kita hanapin sa mga kaibigan mong nagpapastol din. Dahil baka akoʼy mapagkamalan na isang babaeng bayaran.

Song of Solomon 1:7 (UKJV) Tell me, O you whom my soul loves, where you feed, where you make your flock to rest at noon: for why should I be as one that turns aside by the flocks of your companions?

5O mga babaeng taga-Jerusalem, maitim nga ako gaya ng mga tolda sa Kedar, ngunit maganda naman tulad ng kurtina sa palasyo ni Solomon.

6Huwag ninyo akong hamakin dahil sa kulay ng aking balat. Maitim nga sapagkat nabibilad sa init ng araw. Nagalit sa akin ang mga kapatid kong lalaki, at doon sa ubasan akoʼy pinagtrabaho nila. Dahil ditoʼy napabayaan ko ang sarili ko.

7Mahal, sabihin mo sa akin kung saan ka nagpapastol ng iyong kawan ng mga tupa. Saan mo sila pinagpapahinga tuwing tanghali? Sabihin mo sa akin upang hindi na kita hanapin sa mga kaibigan mong nagpapastol din. Dahil baka akoʼy mapagkamalan na isang babaeng bayaran.

8Kung hindi mo alam, O babaeng ubod ng ganda, sundan ang bakas ng aking mga tupa. Papunta ito sa tolda ng mga pastol, at mga batang kambing mo ay doon mo na rin ipastol.

9O irog ko, tulad moʼy isang babaeng kabayo ng karwahe ng hari ng Ehipto.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.