12Habang ang hariʼy nasa kanyang mesa, pabango koʼy humahalimuyak.
13Parang samyo ng mira ang bango ng aking iniibig, habang sa aking dibdib siya ay nakahilig.
14Ang mahal koʼy tulad ng kumpol ng mga bulaklak na henna, na namumulaklak doon sa ubasan ng En-gedi.
15Napakaganda mo, aking giliw. Mga mata moʼy kasimpungay ng mga mata ng kalapati.
16Kay kisig mo, mahal ko. Napakaganda mong pagmasdan! Ang damuhang luntian ang ating higaan.