2Paliguan mo ako ng iyong mga halik. Sapagkat mas matamis pa kaysa alak ang iyong pag-ibig.
3Kay sarap amuyin ng iyong pabango, at ang ganda ng pangalan mo, kaya hindi kataka-takang ang mga dalagaʼy napapaibig sa iyo.
4Sige na, O aking hari, dalhin mo ako sa iyong silid. Sa piling mo, kami ay maligaya. Mas gusto pa namin ang pag-ibig mo kaysa anumang inumin. Tama lang na umibig sila sa iyo!
5O mga babaeng taga-Jerusalem, maitim nga ako gaya ng mga tolda sa Kedar, ngunit maganda naman tulad ng kurtina sa palasyo ni Solomon.
6Huwag ninyo akong hamakin dahil sa kulay ng aking balat. Maitim nga sapagkat nabibilad sa init ng araw. Nagalit sa akin ang mga kapatid kong lalaki, at doon sa ubasan akoʼy pinagtrabaho nila. Dahil ditoʼy napabayaan ko ang sarili ko.