Ang Awit 1

Kay sarap amuyin ng iyong pabango, at ang ganda ng pangalan mo, kaya hindi kataka-takang ang mga dalagaʼy napapaibig sa iyo.

Song of Solomon 1:3 (UKJV) Because of the savour of your good ointments your name is as ointment poured forth, therefore do the virgins love you.

1Ang pinakamagandang awit ni Solomon.

2Paliguan mo ako ng iyong mga halik. Sapagkat mas matamis pa kaysa alak ang iyong pag-ibig.

3Kay sarap amuyin ng iyong pabango, at ang ganda ng pangalan mo, kaya hindi kataka-takang ang mga dalagaʼy napapaibig sa iyo.

4Sige na, O aking hari, dalhin mo ako sa iyong silid. Sa piling mo, kami ay maligaya. Mas gusto pa namin ang pag-ibig mo kaysa anumang inumin. Tama lang na umibig sila sa iyo!

5O mga babaeng taga-Jerusalem, maitim nga ako gaya ng mga tolda sa Kedar, ngunit maganda naman tulad ng kurtina sa palasyo ni Solomon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.