Ang Awit 4

Maliban sa nardo, may safron, kalamo at sinamon, maging ang mga puno ng ibaʼt ibang klaseng insenso, tulad ng mira at aloe at iba pang mamahaling pabango.

Song of Solomon 4:14 (UKJV) Spikenard and saffron; calamus and cinnamon, with all trees of frankincense; myrrh and aloes, with all the chief spices:

12O irog ko, aking magiging kabiyak, tulad ka ng isang halamanan na may bukal at nababakuran.

13Ang mga halaman ay namumunga, isang hardin na puno ng pomegranata at iba pang mga piling bunga, tulad ng halamang nardo at henna.

14Maliban sa nardo, may safron, kalamo at sinamon, maging ang mga puno ng ibaʼt ibang klaseng insenso, tulad ng mira at aloe at iba pang mamahaling pabango.

15Tulad ka ng isang bukal sa hardin, isang balon na dumadaloy, at umaagos pababa mula sa Lebanon.

16Bumangon ka, hanging amihan, at pumarito ka, hanging habagat. Umihip kayo sa aking hardin upang kumalat ang bango nito. Papuntahin ang aking mahal sa kanyang hardin upang ang mga piling bunga nito ay kainin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.