Ang Awit 4

Ang mga ngipin moʼy kasimputi ng kawan ng tupang bagong gupit at napaliguan. May kakambal ang bawat isa, at walang nawawala sa pagkakahanay nila.

Song of Solomon 4:2 (UKJV) Your teeth are like a flock of sheep that are even shorn, which came up from the washing; whereof every one bear twins, and none is barren among them.

1Napakaganda mo, O irog ko. Ang mga mata mong natatakpan ng belo ay parang mga mata ng kalapati. Ang buhok moʼy parang kawan ng kambing na pababa sa Bundok ng Gilead.

2Ang mga ngipin moʼy kasimputi ng kawan ng tupang bagong gupit at napaliguan. May kakambal ang bawat isa, at walang nawawala sa pagkakahanay nila.

3Ang mga labi moʼy parang pulang laso, tunay ngang napakaganda. Ang mga pisngi mong natatakpan ng beloʼy mamula-mula na parang bunga ng pomegranata.

4Ang leeg moʼy kasingganda ng tore ni David. Napapalamutian ng kuwintas na tila isang libong kalasag ng mga kawal.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.