Ang Awit 4

Sumama ka sa akin, O aking magiging kabiyak, sumáma ka mula sa Lebanon. Bumaba tayo mula sa tuktok ng bundok Amana, mula sa itaas ng bundok Senir, sa pinakatugatog ng bundok Hermon mula sa kuweba ng mga leon at sa kabundukang puno ng mga leopardo.

Song of Solomon 4:8 (UKJV) Come with me from Lebanon, my spouse, with me from Lebanon: look from the top of Amana, from the top of Shenir and Hermon, from the lions' dens, from the mountains of the leopards.

6Bago magbukang-liwayway at bago mawala ang dilim, ako ay tutungo sa bundok na pinabango ng mira, sa burol na pinabango ng insenso.

7O irog ko, ang lahat sa iyoʼy maganda. Walang maipipintas sa iyo.

8Sumama ka sa akin, O aking magiging kabiyak, sumáma ka mula sa Lebanon. Bumaba tayo mula sa tuktok ng bundok Amana, mula sa itaas ng bundok Senir, sa pinakatugatog ng bundok Hermon mula sa kuweba ng mga leon at sa kabundukang puno ng mga leopardo.

9Ang puso koʼy nabihag mo, o irog ko na aking magiging kabiyak. Ang puso koʼy nabihag mo sa isang sulyap ng iyong mga mata at sa isang hiyas ng iyong kuwintas.

10Ang pag-ibig mo aking irog ay walang kasintamis. O aking magiging kabiyak, higit pa ito kaysa sa masarap na inumin. Ang samyo ng iyong pabangoʼy mas mabango kaysa sa lahat ng pabango.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.