Ang Awit 4

Ang pag-ibig mo aking irog ay walang kasintamis. O aking magiging kabiyak, higit pa ito kaysa sa masarap na inumin. Ang samyo ng iyong pabangoʼy mas mabango kaysa sa lahat ng pabango.

Song of Solomon 4:10 (UKJV) How fair is your love, my sister, my spouse! how much better is your love than wine! and the smell of yours ointments than all spices!

8Sumama ka sa akin, O aking magiging kabiyak, sumáma ka mula sa Lebanon. Bumaba tayo mula sa tuktok ng bundok Amana, mula sa itaas ng bundok Senir, sa pinakatugatog ng bundok Hermon mula sa kuweba ng mga leon at sa kabundukang puno ng mga leopardo.

9Ang puso koʼy nabihag mo, o irog ko na aking magiging kabiyak. Ang puso koʼy nabihag mo sa isang sulyap ng iyong mga mata at sa isang hiyas ng iyong kuwintas.

10Ang pag-ibig mo aking irog ay walang kasintamis. O aking magiging kabiyak, higit pa ito kaysa sa masarap na inumin. Ang samyo ng iyong pabangoʼy mas mabango kaysa sa lahat ng pabango.

11Ang mga labi mo, aking magiging kabiyak ay kasintamis ng pulot. Ang dila moʼy tila may gatas at pulot. At ang damit moʼy kasimbango ng mga puno ng sedro sa Lebanon.

12O irog ko, aking magiging kabiyak, tulad ka ng isang halamanan na may bukal at nababakuran.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.