Ang Awit 4

Ang puso koʼy nabihag mo, o irog ko na aking magiging kabiyak. Ang puso koʼy nabihag mo sa isang sulyap ng iyong mga mata at sa isang hiyas ng iyong kuwintas.

Song of Solomon 4:9 (UKJV) You have ravished my heart, my sister, my spouse; you have ravished my heart with one of yours eyes, with one chain of your neck.

7O irog ko, ang lahat sa iyoʼy maganda. Walang maipipintas sa iyo.

8Sumama ka sa akin, O aking magiging kabiyak, sumáma ka mula sa Lebanon. Bumaba tayo mula sa tuktok ng bundok Amana, mula sa itaas ng bundok Senir, sa pinakatugatog ng bundok Hermon mula sa kuweba ng mga leon at sa kabundukang puno ng mga leopardo.

9Ang puso koʼy nabihag mo, o irog ko na aking magiging kabiyak. Ang puso koʼy nabihag mo sa isang sulyap ng iyong mga mata at sa isang hiyas ng iyong kuwintas.

10Ang pag-ibig mo aking irog ay walang kasintamis. O aking magiging kabiyak, higit pa ito kaysa sa masarap na inumin. Ang samyo ng iyong pabangoʼy mas mabango kaysa sa lahat ng pabango.

11Ang mga labi mo, aking magiging kabiyak ay kasintamis ng pulot. Ang dila moʼy tila may gatas at pulot. At ang damit moʼy kasimbango ng mga puno ng sedro sa Lebanon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.