Ang Awit 6

nag-iisa lamang ang aking sinisinta. Ang aking kalapati ay walang kapintasan, nag-iisa at itinatanging anak na babae ng kanyang ina. Ang mga babaeng nakakakita sa kanya ay hindi mapigilang purihin siya. Kahit na ang mga asawang reyna at asawang alipin ay humahanga sa kanya.

Song of Solomon 6:9 (UKJV) My dove, my undefiled is but one; she is the only one of her mother, she is the choice one of her that bare her. The daughters saw her, and blessed her; yea, the queens and the concubines, and they praised her.

7Mamula-mula ang noo mong natatakpan ng belo, tulad ng bunga ng pomegranata.

8Kahit na akoʼy may animnapung asawang reyna, walumpung asawang alipin, at hindi mabilang na mga dalaga,

9nag-iisa lamang ang aking sinisinta. Ang aking kalapati ay walang kapintasan, nag-iisa at itinatanging anak na babae ng kanyang ina. Ang mga babaeng nakakakita sa kanya ay hindi mapigilang purihin siya. Kahit na ang mga asawang reyna at asawang alipin ay humahanga sa kanya.

10Sino ba itong dumarating na tulad ng bukang-liwayway, singganda ng buwan, singliwanag ng araw, at kamangha-manghang tulad ng mga pumaparadang bituin?

11Pumunta ako sa taniman ng almendra upang tingnan ang mga bagong tanim na sumibol sa may lambak, at upang tingnan na rin kung umuusbong na ang mga ubas at kung ang mga pomegranata ay namumulaklak na.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.